Aug 25, 2009

Ninth

Mahirap pala pag inuunahan mo ng takot ang kung anumang posibleng mangyari. Kasi magiging alipin ka ng pangamba at maaaring magbunga ng kalungkutan sa parte mo ang isang bagay kahit hindi pa ito nagaganap.

Ang gamot: Hayaan mong alalahanin ng bukas ang sarili nya. Wag mo syang isipin kasi hindi pa naman sya dumarating. Isipin mo yung ngayon.

Mahirap din pala ang madalas o regular na pagtulong. Kasi pag lagi mo ng ginagawa, maaaring dumating sa punto na iisipin ng tinutulungan mo na obligasyon mo na sila. Kung kaya naman, sa halip na magsimula o matuto silang tumuntong sa sarili nilang paa, nagiging dependent na sila sayo.

Ang gamot: Wag mong hayaan na maging dependent sayo ang iba. Paminsan-minsan, hayaan mo sila sa sarili nila.

Aug 1, 2009

Eighth


Rest in peace, Mrs. Aquino...