Jan 25, 2008

Observations of an MRT Commuter

Ang Pinoy basta may pagkakataon, mas pipiliin ang makalamang...kahit sa pagbili ng swipe card, makikipag-unahan.

Mas grabe makipagsiksikan (at makipag-tulakan) ang mga babae kesa sa mga lalaki.
Lugi ka pag mas maliit ka (gaya ko) kasi maaamoy mo lahat...at dahil sa pambabaeng coach ako sumasakay, naaalibadbaran ako sa mga buhok ng mga babaeng lumilipad sa mukha ko. Hindi ba sila marunong magtali?!

Mas masarap sumakay sa MRT tuwing alas-sais ng umaga o pagpatak ng alas-nueve y medya ng gabi...kasi wala ng masyadong tao at hindi na rin siksikan...kaya nagpalipat ako ng mas late na shift.

Hi-tech na rin ang mga commuters. Hindi na sila natatakot na ipakita ang headset ng mga MP3 players nila o cell phone kaya. Hindi ka in pag walang nakapasak na headset sa tenga mo.
-----------
Eto naman, alang relevance sa article. Pakita ko lang yung favorite nephew ko, hanep kasi sa posing e. Daig ako...