So after over a week ng training as CSR, I've somehow come to understand kung ano ba talaga ang nangyayari sa mga taong ito. Hirap din mag-training kasi parang nag-aaral ka ulet, lalo na yung account na hahawakan ko eh wala naman talagang kinalaman sa course ko. Tsk!
Surprisingly, though, I'm starting to fall in love with the job and I plan to make a career out of it (that is, after I've mastered the application and all those things needed to make my job easier). I'm just thankful cause we have a trainer na masyadong matyaga magturo. As in, hindi napapagod mag-explain ng mag-explain at mag-ulit ng lessons namin.
As for my co-trainees, super mababait lahat sila! Hmn, dalawang classes kami na sabay nagti-train ngayon although naunang na-hire yung isang batch samen ng two weeks. Pero enjoy ako sa mga batchmates ko kasi karamihan samen mga musically inclined. Meron pa talagang tumutugtog sa banda (and you begin to wonder what they were doing working in a call center eh mga talented naman!)...Yung seatmate ko in particular is a girl drummer! Gosh! I always thought that girl drummers are hot and I told her so. Sabi nya, "so you think I'm hot?" I said, "yeah!" Sabay taas ng kamay at sabi "girl dummers rule!" Hehe. Dyahe lang kasi mahilig sila mag-videoke after ng lunchbreak at ngayon ko lang nakakahiyaan ang kumanta (o talagang ayaw ko ng kumanta?) kasi ba naman astig yung mga boses ng mga dyaskeng yun!
Next week will be a different schedule for us kasi we will be on the night towards the end of the week. Kelangan masanay na akong matulog during daytime para hindi ako aantok-antok sa gabi...May bali-balita na malaki daw ang site namin na pinapagawa sa Cubao complete with recreational facilities and plano daw gawan ng rooftop swimming pool! If this is true, plano ko i-maximize yung recreational facility para may iba akong pagka-abalahan bukod sa pag-inom ng alak. Hehe.
No comments:
Post a Comment