Sep 7, 2006

Slumbook

Everybody has experienced high school life. It is the time of your life in which you get to experience first crush, first love (pero yung first love ko, hindi ko na-experience nung high school although marami akong crush). It is the time of your life in which we get to value our friends more than most of our family since we get to spend more time with them and in school than at home.

For sure, most of us had experience at one time or another signing a Slumbook (may iba pang tawag dyan e, hindi ko lang alam kung ano)...I don't exactly know the reason why signing a slumbook is the “in” thing in high school (minsan kahit elementary students) but one thing is sure...if you hadn't experienced doing that in high school it's either (1) you're not popular or (2) you didn't have any friends.

Maraming klase ng slumbook. Merong nabibili sa National Bookstore...ito yung mga mamahalin na merong colorful designs and pages and bounded properly. I think ang pinakamalaking setback sa mga ganitong klase ng slumbook ay masyadong konti yung mga questions pagdating sa “up close and personal” section. Itong section na 'to kasi ang considered na pinaka-importante sa lahat since dito usually nare-reveal yung mga darkest secrets nung signee.

Kung wala kang pera pero super creative ka, pwede kang gumawa ng sarili mong slumbook na papipirmahan sa mga friends mo (ito yung ginawa ko, hehe). Ang advantage sa ganitong klase ng slumbook e pwede mong ipersonalize yung lahat ng questions pati lahat ng pages. Pati yung questions sa “up close and personal” section pwede mong gawing specific para kahit yung mga pinakatagong lihim nung signee e malalaman mo.

Kapag pumipirma sa slumbook, yung ibang magugulang mas pinipiling pumirma sa pinaka-last pages o sa hulihan nung slumbook. Advantageous nga naman kasi hindi mo na kelangang mag-worry na baka mabasa ng crush mo (kung sakaling hindi pa sya pumipirma) o ng gf/bf mo yung mga inner thoughts mo. Major turn off nga naman pag nakita nya yung “messages” part kung saan kelangang mag-leave ka ng message sa may-ari ng slumbook tapos ang mababasa nya e bali-baliko ang grammar at spelling mo. Hehe.

Sa ngayon, I think this sort of thing is losing it's allure (hindi ko na nga naririnig yung mga younger siblings ko talking about that) or becoming obsolete. What with Friendster, MySpace, Hi5 at kung anu-ano pang mga online community na pwedeng salihan. Mas madali nga naman pag sasali ka sa ganun at usually, hindi ka na mamomroblema sa mga papel na pwedeng mabasa ng mga kasambahay mo at pwede mo pang i-personalize ang home page mo (lagyan mo ng music o astigin na background).

Pero ang hindi ko malilimutan sa slumbook e yun ngang “up close and personal” section (o kung anuman ang tawag dun, nalimutan ko na e). Para sa akin, yun yung pinakamasarap sagutan kasi makikita mo dun yung mga pinaka-inosenteng meaning ng love, crush at kung anu-ano pa. Unfortunately, yung slumbook kong ginawa nung high school e itinapon ko na kaya hindi ko na ma-recall yung mga bagay na sinabi ko dun. Siguro kung magkakaroon ako ng chance na makasagot uli ng slumbook at this day and time, ganito ang magiging sagot ko sa “up close and personal” section:

Define Love:
Love is the most infinite feeling that anyone lucky enough would be able to experience.

Define Crush:
It's being attracted to someone else but not exactly falling in love with them.

Unforgettable date and time:
June 19, 2004 That's the time when my bestfriend died of childbirth (and yes, heterosexual sya)

Have you ever been in love?
I fell in love twice...

To whom?
Qualified pa ba ang secret dito? Shy sya e.

Where and when did you meet?
A long, long time ago...in a land not so far away...

What attracted you most? Eyes! Definitely the eyes!

Who is your crush?
Pwede rin bang secret na rin ang sagot dito? I know it's unfair but, oh well...

Describe your first kiss:
Very sloppy! But it was the best kiss I ever had. Hay! If given the chance, I would want to come back at that moment...

Likes:
Funny and intelligent people

Dislikes:
Mapagkunwari, mayabang

Worst thing about you:
I tend to forget I'm with someone especially when I'm reading a book.

Best thing about you:
thoughtful, sweet (sabi nya)

How do you see yourself five years from now?
I don't want to know. Maraming akong gusto e but i learned that no matter how perfect your plans are, meron pa ring mangyayari na hindi mo inaasahan then all of a sudden, all your plans would disappear...as of now, i just take each day as it comes.

No comments: