I found this sa email ko today. Sent by my favorite cousin (thank you, Sol!) Really cheered me up.
Got really drunk last night with Pia and Yen. Imagine, the three of us having two shots of tequila each and drinking Colt 45? Ako hindi ko ma-imagine e. I remember though telling them that I'm not used to Asia Brewery products at talagang nasisira ang tyan ko dun (San Miguel lang kinakaya ng tyan ko, bro!). Nevertheless, yun pa rin ang in-order nila at isang bucket pa! As if naman they gave me an option? So ako'ng si engot e walang choice kundi inumin ang kung anumang nakahain (kahit alam ko na magpo-protesta ang tyan ko later on). They never allowed me to start drinking without having to eat first, though. Talagang pinagpilitan ni Yen na kumain muna ako. Siguro dahil sa sobrang pagod kaya nakaka-isang bote pa lang ako, hilo na ako agad. To top it off, nag-order nga si Pia ng tequila! Kaya ako'ng si engot, hindi ko na mahanap ang papuntang comfort room kagabi at ang tingin ko sa mga kumakanta e magaganda lahat! At itong si Pia e hindi pa nasiyahan, hinatak ako sa dance floor and inaya akong sumayaw! Hindi ko rin alam pero ang feeling ko, anglambot ng katawan ko kagabi. Hehe! I really did danced last night! Hindi ko pa ginawa yun sa tanang buhay ko! Pero kagabi, anglakas ng loob ko e. Feeling ko wala akong hiya.
Funny though, pero hindi naman nasira ang tyan ko. I was half-expecting that I'll wake up ng madaling-araw sa kumukulong tyan pero hindi (ala-una na ako nakauwi). I did wake up ng madaling-araw and wala man lang akong trace ng hang-over...Hmn, effective ata yung sinabi ni Bigfoot na uminom ng maraming tubig bago matulog. Hehe. At least, na-discover ko that my stomach could tolerate Asia Brewery products at...contrary to my belief, marunong pala akong sumayaw (sana lang hindi kinunan ni Yen yung pagsayaw ko at talagang nakakahiya yun)!
I also watched Pacquiao-Morales bout kanina. Grabeeeehhh ang ABS-CBN! Andaming commercials! Anyway, napahiyaw ako nung natapon sa lona si Morales (napapalingon tuloy si Kenji saken at siguro nahihiwagaan sya dahil parang baliw na sumisigaw ang tita nya). Hehe! Congrats, Manny! Although, I admit that I'm not really a Pacquaio fan (feeling ko kasi masyado na syang commercialized e) but when he knocked down Morales 20 seconds before the end of the third round, made me proud I'm a Filipino. ;)

No comments:
Post a Comment