Oct 4, 2006

Finally!




A funny thing happened this morning. Nasa elevator na ako kaninang around 0845H at sa totoo lang maraming tao sa elevator at that time in the morning dahil hindi gumagana lahat ng elevator sa West Tower. So nag-aabang ako ng elevator with about eight other people. Natuwa naman ako nung umilaw ng ng berde yung isang elevator na malapit sa akin kasi, finally, makakasakay na ako. Medyo nagpahuli ako kasi hindi naman nagmamadali as I have plenty of time to spare. Naunang pumasok sa elevator? Isang lalaki at isang babae. At bigla na lamang, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagsara ang pintuan ng elevator! O, di ba, bongga??? At talagang dire-diretso syang sumara kaya naman hindi ko napigilan ang mapabulalas, "ayos, ah! nagsolo?!" Well, for all I know, hindi nila sinasadya yun. Baka nalito yung babae at ngayon lang sya nakasakay ng elevator sa tanang buhay nya...Ok, change topic kasi hina-high blood na naman ako! Baka magkasala pa ako nito. I take that back. Hindi pala yun nakakatuwa...nakakayamot yun!!! Grrrrr!
Tungkol naman sa pics sa taas? Kuha yan sa tilapyaan nina Vicky sa Candaba, Pampanga. So, malamang ganyan ang itsura ni Crisostomo at Elias nung namangka sila sa Pasig River ayon sa novel ni Rizal. Hehe.

No comments: