I was joking to my eldest bro this morning. Narinig ko na naman kasi sya na nagsi-sermon (na may halong parinig) at around 6AM. Ang aga-aga kaya nun?! Sabi ko sa kanya, "alam mo, mag-asawa ka na rin kasi para hindi ka iritable..." Na sinusugan naman ng nanay ko na "oo nga." Umismid lang ang kuya ko, sabay sabi "para ano? hindi na, noh! kung ala rin lang akong ipapakain!" Come to think of it, wala na sa kalendaryo ang edad ng kuya ko. Ang ate ko, nagka-anak at age 30. At ako? Turning 27 but just got off from a two-year relationship.
I can't remember the exact date when my last relationship ended. Parang masyado ng matagal. Naiinip ba ako sa pagiging single? Hindi ko alam. In truth, this may be the first time in my adult life na naging single ako. Who would ever think that this will happen? Certainly, not me. A year ago, I was happily living with someone who so obviously adores me...Ok, ok, change topic na.
Ok rin naman maging single, ah! You can do whatever you want. Go to places you want to go kasama ang sinumang gusto mong makasama without guilt feeling or fear that a common friend or acquaintance might see you and magsumbong sa significant other mo. Pwede ka tumawag at mag-text kung kanino mo gusto ng walang magtatanong sayo kung sinong kausap mo o kung sinong ka-text mo. Mas may panahon na ako sa sarili ko ngayon tsaka sa family ko at mga kaibigan. At higit sa lahat, wala akong iniisip na pagkakagastusan para regaluhan sa Pasko, Birthday o Monthsary/Anniversary (although hindi ako naniniwala sa monthsary, mas bilib ako sa anniversary, e).
So being single has its advantage pero bakit feeling ko, habang tina-type ko yung last paragraph...parang nagsa-sour graping ako? Hmp! Kenis, di ba?
________________________
I'm still thinking kung anong magandang title na ipalit dito...Palagay ko isang reason kaya hindi ako masyadong makatulog sa gabi kasi negative ang aura nitong blogspot ko, e! Pero in fairness, I had such a wonderful dream last night! Sorry, hindi ko iku-kwento dito...Hehehe!
No comments:
Post a Comment